Isa Patay, Dalawa Sugatan sa Naganap Na Pamamaril sa Benito Soliven !

Benito Soliven, Isabela- Idineklarang Dead on Arrival (DOA) ang isang lalaki habang ang dalawa pang kasama nito ay kasalukuyan ng nagpapagaling sa pagamutan matapos pagbabarilin ng isang lalaki sa brgy. Baliao, Benito Soliven, Isabela kahapon, Hunyo 23, 2018.

Kinilala ang biktima at nasawi na si Victor Cacbay, 47 anyos habang ang asawa nitong sugatan ay kinilalang si Remedios Cacbay, 60 anyos at ang isa pang biktima at pamangkin nito ay kinilala namang si Jerome Cacbay, 8 anyos samantalang kinilala pa ang suspek na si Balong Mundo, nasa hustong gulang at mga pawang residente sa naturang barangay.

Sa Ibinahaging impormasyon ng PNP Benito Soliven, isang concerned citizen umano ang tumawag sa kanilang himpilan at ipinagbigay alam ang insidente ng pamamaril sa nasabing barangay kaya’t agad namang rumesponde ang mga kapulisan.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP Benito Soliven, nasa loob umano ng kanilang bahay ang biktima ng pagbabarilin ito ni Mundo na naging dahilan din upang madamay ang asawa at pamangkin nito gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang tatlo ngunit hindi na umabot ng buhay si Victor Cacbay habang kasalukuyan paring nagpapagaling ang asawa at pamangkin nito na nagtamo ng pinsala sa katawan.

Sa ngayon ay kasalukuyan parin ang ginagawang pangtukoy ng kapulisan sa motibo ng pamamaril habang hindi din tumitigil ang mga ito upang matugis ang suspek na tumakas pagkatapos ng insidente.

Facebook Comments