SAWI | Hukom sa Ozamiz City, patay sa pamamaril

Patay ang isang hukom matapos pagbabarilin sa P-2B, Brgy. Banadero, Ozamiz City, Misamis Oriental.

Kinilala ang biktima na si Judge Edmundo Pintac.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-4:20 ng hapon (Oct 8, 2017) nang pagbabarilin ang biktima ng hindi pa nakikilalang mga suspek.


Matapos ang pamamaril ay agad tumakas ang mga suspek na ngayon ay target sa manhunt operation ng PNP.

Facebook Comments