SAWI | Incumbent at tumatakbong barangay kagawad, patay sa pamamaril

General Santos City – Patay ang isang incumbent at tumatakbo sa barangay sa bayan ng Malapatan, Sarangani Province na si Barangay Sapu Masla Incumbent Kagawad Jaron Malagos, matapos itong pinagbabaril ng apat na suspek sa Purok Kalagumit, Barangay Sapu Masla, kahapon.

Sinabi ni Police Chief Inspector Romeo Calamba, Chief of Police ng Malapatan, Municipal Police Station na katatapos lang nangampanya ang biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay kasama ng kansang asawa na si Rowena Malagos at pinsan sakay ng sasakyan pero sila ay tinambangan ng apat na suspek at pinagbabaril.

On-the-spot na binawian ng buhay si Malagos habang swerteng hindi na tamaan ang asawa nito at ang kanyang pinsan.


Kinilala naman ng asawa ng biktima ang mga salarin na sina Kim Sambaga, Al Sambaga, Mis-an Sambaga at Muhalidin Sambaga dahil hindi nakatakip ang mga mukha ng mga suspek ng sila ay pagbabarilin.
Anggulong tinututukan ng pulisya ay ang personal grudge matapos pinagdududahan ng mga suspek na ang biktima ang dahilan na na-neutralize ang kanilang kaanak na isang barangay official na si Bong Sambaga kasabay ng isinagawang Drug Operation ng PNP noong mga nakaraang mga buwan matapos itong nanlaban sa pulisya.

Facebook Comments