Capiz – Patay ang isang ginang matapos magbigti sa puno ng mangga sa Barangay San Pedro, Pilar, Capiz.
Sa ulat, sinubukan pang iligtas ng mismong mister na si Reynante Alvarece ang biktima na si Josie pero wala na itong nagawa pa.
Nabatid na ito na ang ikatlong beses na nagpakamatay ang ginang kung sa napag-alaman na mayroon itong diperensya sa pag-iisip.
Isasailalim naman ng mga otoridad sa otopsiya ang bangkay nito para malaman kung may foul play na nangyari.
Facebook Comments