SAWI | Isang inmate ng QCPD Station 2, patay dahil sa sakit na leptospirosis

Quezon City – Patay ang isang inmate ng Quezon City Police District (QCPD) Station 2 matapos magkaroon ng komplikasyong dahil sa sakit na leptospirosis.

Kinilala ang nasawing preso na si Mel Pardilla, na nakulong dahil sa pagsusugal sa kalye.

Sa ulat, halos isang linggong naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) si Pardilla matapos magkaroon ng leptospirosis kung saan idinaing nito ang pananakit ng tiyan at hirap sa paghinga.


Sa kanyang death certificate, nakasaad dito na severe pulmonary hemorrhage dulot ng komplikasyon ng leptospirosis ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Facebook Comments