SAWI | Isang lalaki na kandidatong barangay chairman, patay sa pamamaril sa Basilan

Basilan – Patay ang isang lalaki na kandidato sa pagka-barangay chairman at tatlong iba pa sa Barangay Kumamburingan, Ungkaya Pukan, Basilan.

Nakilala ang isa sa mga biktima sa pangalan na Usan Asani na dating chairman ng barangay habang ang tatlong iba pa ay pinaniniwalaan kamag-anak nito.
Hinala ng mga otoridad na may kinalaman ang krimen sa eleksyon dahil target ng mga armadong salarin ang bahay ng dating barangay kapitan matapos nitong maghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa May 14 elections.

Wala naman gustong magsalita na kapitbahay ng mga biktima dahil takot ang mga ito na madamay sa insidente.


Facebook Comments