SISIGURADUHIN | Malacañang, tiniyak na puspusan ang trabaho ng gabinete ni Pangulong Duterte sa kabila ng pagbagsak ng satisfaction rating nito

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na puspusan ang trabaho ng Duterte Administration para pagsilbihan ang sambayanan.

Ito ay sa kabila ng pagbagsak ng satisfaction rating ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa first quarter ng 2018 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Base sa SWS survey, nasa +28 ang satisfaction rating o ‘moderate’ rating ng Duterte’s cabinet, sampung puntos na mababa kumpara sa huling kwarter.


Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, doble-kayod na ang gabinete ng Pangulo para sa pagpapatupad ng mga polisiya at programa na makakatulong sa mga Pilipino.

Isinagawa ang survey mula March 23 hanggang 27 sa 1,200 respondents sa buong bansa.

Facebook Comments