Quezon City – Patay na ang isang lalaki ng matagpuan ng mga brgy. tanod sa Commonwealth Avenue Brgy. Holy Spirit QC kaninang madaling araw.
Ang biktima ay inabutang pang nakabulagta sa sidecar na bike sa gilid ng basurahan.
Nakilala lamang sa alyas na ” Kalakal” ang biktima na nakasuot ng ng gray na short, gray na sumbrero at green na t-shirt AT nasa edad 35-anyos pataas.
Ayon sa isang saksi, nakita pa niyang buhay ang biktima na naghahalukay ng basura sa malidim na bahagi ng Commonwealth.
Wala siyang nakitang kasama nito o lumapit pero ilang minuto lang ang nakalipas duguan na nila itong natagpuan.
Sa initial na pagsusuri ng SOCO kay malaking hiwa sa leeg ng biktima na dahilan ng agaran nitong pagkamatay.
Palaisipan pa ang motibo at kung sino ang likod ng insidente.