Manila, Philippines – Patay ang isang lalaking lasing matapos magulungan ng bus sa southbound lane ng Commonwealth Avenue papuntang Philcoa.
Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na pasuray-suray habang nag-aabang ng jeep.
Kwento ng ilang testigo, iniiwasan ang biktima ng mga driver dahil sa kalasingan nito kung saan sobrang ingay din nito.
Maya-maya ay gumit na ito sa kalsada kaya at nabangga ng paparating na jeep.
Tumilapon ang biktima at pumailalim sa humaharurot na pampasaherong bus.
Agad na tumakas ang driver ng bus habang hawak na ng Quezon City traffic sector ang driver ng jeepney.
Facebook Comments