SINIBAK | Isang PCP Commander sa Pasay City, tinanggal sa pwesto ni NCRPO Director Guillermo Eleazar

Pasay City – Sinibak ni National Capital Police Office Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar ang isang police community police commander sa Pasay City.

Ito ay matapos na hindi maabutan ni Eleazar sa loob ng kaniyang opisina si Police Chief Inspector Allan Estrada ng PCP-1 sa isinagawa niyang surprise inspection.

Nadiskubre pa ni Eleazar sa loob ng opisina ni Estrada ang dalawang service firearms nito maging ang ginamit nitong mga damit.


Ilan beses din ipinatawag ni Eleazar sa mga tauhan ang kanilang hepe pero hindi pa din ito nakipagkita sa kaniya.

Dahil dito, inatasan ni Eleazar ang Chief of Police ng Pasay PNP na magtalaga muna ng OIC sa nasabing presinto habang inaantay niya ang paliwanag ni Estrada.

Facebook Comments