SAWI | Kumakandidatong kagawad, patay matapos atakihin sa puso

Manila, Philippines – Patay ang isang kumakandidatong kagawad matapos atakihin sa puso sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Paulino Baligod Jr., 62-anyos na tumatakbong kagawad sa Barangay 390, zone 40 ng district 3 ng Quiapo.

Ayon kay MPD Chief of Staff Sr/ Supt. Danny Macerin – alas 6:55 kaninang umaga, papunta na sana sa kanyang polling precinct para bumoto ang biktima nang makaranas siya ng cadiac arrest.


Isinugod pa siya sa ospital pero idineklara ring dead-on-arrival.

Facebook Comments