SAWI | Lalaki patay sa pamamaril sa Tondo, Maynila

34

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos pagbabarilin sa Barangay 119 Tondo, Manila.

Ayon sa Manila Police District Homicide Division, nakikipag-inuman noon ang biktimang si Dodi Ferrer sa kanto ng Coral at Laurel Street nang lapitan at pagbabarilin ng suspek na nakilalang si alyas Kevin Ulo.

Naisugod pa sa Mary Johnston hospital ang biktima pero binawian rin ng buhay.

Patuloy namang inoobserbahan ang kasama nitong Arthur Angeles na tinamaan ng ligaw na bala.

Hinala ng asawa ni Ferrer, maaaring napagkalaman ng suspek na asset ng pulis ang kaniyang asawa.

Kasalukuyang tinutugis ng mga pulis ang suspek na kilalang tulak ng droga sa lugar at siya ring pumatay sa isang pedicab driver noong Huwebes ng gabi.

Facebook Comments