TIMBOG | Dalawang Korean language tutor, arestado dahil sa pangingikil

31

Manila, Philippines – Kalaboso ang dalawang Korean language tutor matapos ireklamo ng pangingikil.

Kinilala ang mga suspek na sina Helen Montes at Mary Mylene Billona na nakilalang nagre-recruit ng mga nais magtrabaho sa Korea.

Pero ayon kay BI Deputy Director Ferdinand Lavin, sadya ibabagsak ng dalawa sa language proficiency test ang nare-recruit nila saka mangingikil ng higit P100,000 para matuloy ang aplikante sa pag-alis ng bansa.

Paalala naman ng NBI sa mga nais magtabaho abroad i-check muna kung accredited ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang agency na pinapasukan.

Facebook Comments