SAWI | Landlady, patay sa pananaksak sa Davao del Sur

Davao del Sur – Patay ang isang landlady ng isang boarding house matapos pagsasaksakin sa bayan ng Santa Cruz, Davao del Sur.

Wala ng buhay nang natagpuan ng boarder na si Valenciano Malnegro ang bangkay ng biktimang si Martina Tancontian, 68-anyos, sa kusina ng kanilang bahay.

Pero sabi ni Malnegro bago masawi nakita niyang nagtatalo noon ang biktima at kanilang katiwala.


Nawawala naman ang cellphone at wallet ng biktima at ang computer na konektado sa surveillance camera.

Dahil dito, suspek sa krimen ang katiwala at pagnanakaw ang isa sa sinisilip na motibo ng pulisya.

Handa namang magbigay ng ₱500,000 pabuya ang anak ng biktima na si Santa Cruz Municipal Administrator Romulos Tancontian sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek.

Facebook Comments