SAWI | Nanalong Brgy. Councilor sa Mulanay Quezon patay sa pamamaril

44

Manila, Philippines – Patay ang isang nanalong Barangay Councilor matapos pagbabarilin nang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Sta Rosa Mulanay Quezon.

Kinilala ang bikitma na si Felix Moldon nanalong first councilor sa Barangay Sto Nino Mulanay Quezon.

Ayon kay CALABARZON Regional Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar alas-7:45 ng umaga kanina sakay nang motorisklo ang biktima nang pagbabarilin rin nang naka-motorsiklong suspek.

Agad na tumimbuwang mula sa motorsiklo ang biktima at namatay.

Nakatakas agad ang suspek na ngayon ay target sa operasyon ng mga pulis.

Facebook Comments