TRENDING | “Breakup fee”, trending sa China

36

China – Trending ngayon sa bansang China ang tinatawag nilang “breakup fee”

Sa ilalim nito, nagbabayad ng pera ang isang tao na nakikipaghiwalay sa kanyang kasintahan.

At ang halaga na kailangang bayaran, depende raw sa kung gaano katagal ang kanilang relasyon.

Naniniwala kasi sila na praktikal lang na gawing batayan ng bayad ang halaga ng na-invest nila sa isang tao gaya ng mga naibigay nilang regalo.

Ayon sa ilang observer, mas madalas nagbabayad ng breakup fee ang mga lalaki.

Samantala, nadiskubre ang ganitong kalakaran sa China matapos na matagpuan sa isang bar ang 2-million yuan o mahigit 16-million pesos na breakup fee.

Iniwan daw ng babae ang pera dahil masyado raw itong maliit.

Facebook Comments