SAWI | Nigerian national, patay sa riding in tandem sa Las Piñas City

Las Piñas City – Patay ang isang Nigerian national na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos itong pagbabarilin sa Las Piñas City.

Tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng biktimang si Didicus Ohaeri na residente ng Bacoor, Cavite.

Sakay ng kaniyang kotse ang biktima na may plate number na NAQ-919 nang tambangan ng riding in tandem sa Alabang -Zapote road sakop ng Barangay Pamplona.


Mabilis na tumakas ang mga suspek kung saan posibleng droga ang motibo sa pagpatay sa naturang dayuhan dahil dati na itong may record sa kasong pagbebenta ng shabu.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasoyn at follow-up operation ng pulisya para makilala ang mga suspek.

Facebook Comments