BUY BUST OPERATION | Tatlong drug suspect, timbog sa ikinasang operasyon sa Marikina City

Marikina City – Kalaboso ang tatlong drug suspect sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Barangay Barangka Marikina city.

Kinilala ang mga suspek na sina Joseph Anthony Lopez, Mark Julius San Jose at Joseph Mcgyver Lopez.

Sa ulat, ikinasa ng Marikina Philippine National Police (PNP) ang buy bust operation sa isang vape shop na may pangalang Vapers stop sa A. Bonifacio Avenue kung saan nang maiabot na ang 1,000.00 pesos na buy bust money ay agad inaresto ang mga suspek.


Bukod sa buy bust money, narekober sa kanila ang walong glass jar na naglalaman ng pinatuyong Marijuana.

Facebook Comments