SAWI | OIC ng isang security agency, patay sa pamamaril sa Camarines Norte

Camarines Norte – Patay ang isang officer-in-charge ng security agency matapos pagbabarilin sa Barangay Benit, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Saphiro Barcenas, OIC ng New Veterans Security Agency.

Sa ulat, pinagbabaril ng suspek na si Darius Octa ang biktima sa hindi pa malaman dahilan kung saan agad itong tumakas matapos ang insidente.


Naitakbo pa sa ospital ang biktima ngunit ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis para malaman ang motibo sa krimen habang pinaghananap na din ang suspek.

Facebook Comments