SAWI | Pulis, patay matapos makipagbarilan sa mga drug suspek sa Nueva Ecija

Nueva Ecija – Nasawi ang isang pulis matapos na makipagsagupaan sa mga drug suspek sa General Tinio Nueva Ecija City kahapon.

Kinilala ang nasawing pulis na si Police Officer 1, Mariano Emmanuel Caparas habang nasawi rin ang suspek na si alyas Abet.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng General Tiñio Municipal Police Station Sitio Saudi, Brgy. Pias, Gen. Tinio, Nueva Ecija kahapon.


Naisugod pa sa Medicare Community Hospital si PO1 Caparas pero idineklarang dead arrival.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang Glock 9mm pistol, sampung caliber 9mm spent shells, isang deformed fired bullet, isang black Kawasaki Bajaj motorcycle na may plate no. 9846-II at isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Ikinalungkot naman ng hanay ng Philippine National Police ang nangyari sa kanilang kabaro habang tiniyak ni PNP Chief Police Director General Oscar albayalde na mabibigyan ng sapat na benepisyo ang pamilya ng nasawing si PO1 Caparas.

Hanggang buwan ng Pebrero ngayong taon umabot na sa 87 tauhan ng PNP nang nasaai dahil sa mga anti illegal drug operation.

Facebook Comments