Capiz – Patay ang isang sundalo matapos na mabaril ng kapwa sundalo sa Barangay Lagdungan, Tapaz, Capiz.
Nakilala ang biktima na si PFC Delio Sebarillo habang ang suspek na bumaril ay si PFC Sargie Labao na parehong naka-assign sa 61st Infantry Battalion ng Philippine Army.
Sa ulat, bigla na lamang binaril ni Labao si Sebarillo sa hindi pa mabatid na dahilan lalo na at walang pinag-awayan ang dalawa bago ang krimen.
Inaalam naman na kung may problema sa pag-iisip si Labao kung saan bago ito nadestino sa Capiz ay nanggaling muna ito sa ospital matapos na mapasabak sa engkwentro.
Facebook Comments