ARESTADO | Tricycle driver, kalaboso matapos saktan ang kaniyang kinakasama sa Isabela

Isabela – Kalaboso ang isang tricycle matapos ireklamo ng pananakit ng kaniyang kinakasama sa Isabela.

Bukod kasi sa reklamong pananakit, nahulihan pa ang suspek na si Jerry Cariaga ng dalawang sachet ng marijuana.

Sa ulat, nagtungo ang sugatang biktima sa Delfin Albano Police Station kasama ang ilang opisyal ng barangay upang ireklamo ang pananakit sa kanya ni Cariaga.


Nagsagawa ng operasyon ang pulisya at natagpuan ang suspek sa Barangay Balug, Tumauini Isabela kung saan nang dalhin sa presinto at kapkapan ay nakuha sa kanya ang nasabing iligal na droga.

Facebook Comments