SAWI | Suspek sa pagpatay kay Mayor Ronald Tirol ng Buenavista, Bohol, patay matapos manlaban

Bohol – Nasawi na ang suspek sa pagpatay kay Buenavista, Bohol Mayor Ronald Tirol kaninang alas 2:45 ng madaling araw.

Ayon kay Bohol Chief Senior Superintendent Angeles Genorga, natunton ng pulisya si Emigdio Aparece sa Sitio Sta Ana, Barangay Concepion, Danao, Bohol, kung saan sinubukan nila itong pasukuin pero sa halip na sumuko ay pinaputukan nito ang mga arresting officers.

Dahil dito nagkaroon ng engkwentro na nagresulta sa pagkakasawi ng suspek.


Si Aparace ay itinuturo ring lider ng aparace criminal gang at itinuturing din na isa sa most wanted persons sa rehiyon.

Maliban dito, nahaharap ang suspek sa patung-patong na warrant of arrest dahil sa ilang mga kaso.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang kalibre 45 na baril na kargado ng bala.

May 27 nang pagbabarilin si Mayor Tirol hanggang sa mapatay sa loob ng isang sabungan sa Buenavista.

Facebook Comments