SAWI | Tatlo, patay sa sunog sa Maynila

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Manila Fire Department na tatlo ang namatay sa sunog sa isang Printing Services sa CM Recto Quiapo Manila.

Kinilala ang mga nasawi na sina Benjie Solis 28 anyos, Ronald Obiedo at ang nasawi sa Jose Reyes Memorial Medical Center na si Joel Eva 50 anyos.

Ayon kay Manila Arson Chief Sr. Inspector Redentor Alumno nagsimula ang sunog alas-4 ng madaling araw at naapula agad pasado alas-5:10 ng umaga dahil Christmas party sa Lumandas Printing Services at nag iinuman ang tatlo kung saan naiwang nakasaksak umano ang plug ng videoke.


Ayon naman kay Renato Galicia may ari ng Printing Services, nagkasarapan ang Christmas party nila kagabi at naiwan ang tatlong biktima dahil sa sobrang kalasingan.

Pawang empleyado ng Lumandas Printing Services ang mga na-trap at nasawi sa sunog.

Ayon naman sa may-ari ng printing press at nang katabing computer shop na si Renato Galicia aabot sa mahigit isang milyong piso ang halaga ng natupok na ari-arian.

Facebook Comments