SAWI | Tatlong drug pusher – patay sa magkakahiwalay na buy bust sa Batangas

Batangas – Patay ang tatlong hinihinalang drug pusher sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Batangas.

Kaninang hatinggabi nang mamatay matapos manlaban sa pulisya ang suspek na si Randy Topacio sa Lipa City.

Sa Batangas City naman, nauwi rin sa shootout ang buy-bust operation laban kay Roderick Fajilan.


Binaril umano ni Fajilan si PO3 Romulo Dela Peña kaya napilitang gumanti ang pulis na ikinamatay ng suspek.

Dead-on-arrival naman sa ospital ang drug suspect na si Abtaham Awat matapos ding manlaban sa operasyon ng mga pulis sa bayan ng San Jose.

Facebook Comments