Baguio City – Patay ang isang taxi driver matapos itong pukpukin sa ulo ng martilyo ng kaniyang pasahero sa Dominican Road, Baguio City.
Sa ulat, hoholdapin lang sana ng 18-anyos na suspek ang biktimang si Erwin Cueno pero pumalag ang taxi driver.
Itinanggi naman ng suspek na hoholdapin niya ang taxi driver kung saan nagawa niya daw itong pukpukin dahil sa hindi niya nagustuhan ang tono ng boses nito.
Nabatid na nakatulala at nakaupo pa sa loob ng taxi ang suspek nang arestuhin ito ng mga pulis at kaniyang sinabi na palagi siyang may bitbit na martilyo dahil isa siyang construction worker.
Facebook Comments