Plano ngayon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na muling makipagdayalogo sa FIBA (International Basketball Federation) para iapela ang kanilang regulasyon hingil sa Filipino-foreign (Fil-foreign) players para makasama na sa Gilas Pilipinas.
Sa pahayag ni SBP President Al Panlilo, nais nilang gawin ang pakikipag-usap sa FIBA kasunod ng pagpayag nila na palaruin ang Indonesian-American player na si Brandon Jawato bilang local ng Indonesia na nabigyan ng citizenship nito lamang Oktubre.
Ayon kay Panlilo, nais nilang baguhin na o pag-aralan ng FIBA ang eligibility rules kung saan kinakailangan na ang isang player ay maka-secure ng passport sa edad na 16-anyos.
Iginiit ni Panlilo na sakaling maresolba ang hiling nila, maaari nang maglaro bilang locals ang mga naturalized player na sina Christian Standhardinger, Stanley Pringle, Mo Tautuaa, Chris Ross at Jordan Clarkson na aniya ay pawang mga Filipino talaga.
Pero, aminado si Panlilo na ang huling desisyon ay manggagaling pa rin sa FIBA Central Board.