Construction worker na wanted sa kasong frustrated murder arestado sa bayan ng Makato

30

Makato, Aklan – Arestado ng mga otoridad ang isang construction worker na wanted sa kasong frustrated murder kagabi sa Brgy. Agbalogo, Makato, Aklan. Nakilala ang akusado kay Zaldy Barrientos, 34-anyos, at residente ng Poblacion sa nasabing bayan. Inaresto si Barrientos sa pamamagitan ng bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 15590 na inisyu ni Hon. Jemena L. Abellar Arbis, Presiding Judge, Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 6, Kalibo, Aklan na may petsang November 12, 2020. P 72, 000.00 pesos ang itinakda ng korte bilang piyansya para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Napag-alaman na si Barrientos ay kasama sa pagpasok sa bahay ng biktimang sinaksak ng kanyang kapatid noong nakaraang Pebrero 17, 2020 sa Poblacion, Makato. Matapos ang krimen ay nag surrender ang kanyang kapatid sa Makato PNP at na inquest pero itong si Zaldy ay nahuylog sa regular filing ang kaso dahilan na ngayon lang lumabas ang warrant nito. Sa ngayon ay naka takda naman i-turn over sa korte si Barrientos.

Facebook Comments