
Inihayag ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na binabantayan siya ng China.
Ito ang sinabi ni Carpio matapos mawalan ng kuryente habang siya ay nagbibigay ng lecture sa convention ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Iloilo City.
Nawala ang kuryente habang ipiniprisenta niya ang video tungkol sa pag-aangkin ng China sa West Philippines Sea at ang 2016 arbitral tribunal ruling kung saan pinaboran ang Pilipinas.
Wala pang sagot ang Chinese Embassy hinggil sa pahayag ng mahistrado.
Nabatid na nagpahayag ng pagkabahala si Carpio hinggil sa pinasukang loan agreement ng Pilipinas sa China hinggil sa Chico River Irrigation Project dahil sa posibilidad na kunin ng China ang likas na yaman ng bansa kapag hindi ito nakapagbayad ng utang.
Ang “patrimonial assets” at “assets dedicated to commercial use” ay kinabibilangan ng langis at gas na nasa exclusive economic zone ng bansa sa West Philippines Sea.









