Saturday, March 28, 2026

SC, hindi dapat magpagamit para matakasan ni VP Duterte ang pananagutan

Tinuligsa ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima ang hirit ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa Supreme Court (SC) na ihinto ang proseso ng impeachment sa Kamara.

Bunsod nito, nananawagan si De Lima sa Kataas-taasang Hukuman na pagsabihan si VP Duterte na huwag itong gamitin para matakasan ang kanyang pananagutan.

Giit ni De Lima, hindi dapat pumayag ang Korte na palagi na lang silang ginagawang takbuhan ni Sara sa pag-iwas niya sa pananagutan sa batas.

Ayon kay De Lima, may pa-“bloodbath, bloodbath” pang sinasabi noon si VP Duterte, pero sa simpleng committee hearing lang ay takot na takot na ito ngayon.

Para kay De Lima, ang pagdulog sa Korte Suprema ay senyales ng pagiging desperado ni VP Sara para muli nitong matakasan ang pananagutan at maiwasan ang pagharap sa impeachment proceedings.

Facebook Comments