Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay si Chief Justice Lucas Bersamin at ang lahat ng mahistrado ng Korte Suprema sa pamilya ng pumanaw na si retired Supreme Court Associate Justice Leonardo A. Quisumbing.
Si Justice Quisumbing ay itinalagang associate justice ng Korte Suprema noong January 20, 1998 at nagretiro naman noong November 6, 2009.
Bago ma-appoint sa Korte Suprema, nagsilbi si Quisumbing bilang Labor Secretary at Defense Undersecretary noong administrasyon ni dating Pangulo Corazon Aquino.
Siya ay naging Senior Deputy Executive Secretary din ni dating Pangulo Fidel V. Ramos.
Facebook Comments