Manila, Philippines – Ikinadismaya ni opposition Senator Risa Hontiveros ang pasya ng Supreme Court na pumapabor sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong Mindanao.
Diin ni Hontiveros, ang nasabing SC ruling, naging isang isang malungkot na araw para sa demokrasya ng bansa.
Nanghihinayang si Hontiveros sa nabigong pagkakataon para sa Korte Suprema upang manindigan laban sa gumagapang na awtoritaryanismo.
Para kay Hontiveros, ang desisyon ng Korte Suprema ay isang mapanganib na precedent para sa pamamahalang hindi demokratiko.
Nangangamba si Hontiveros, na dahil sa nasabing desisyong ito, ang Martial law ay maaaring maging “default response” ng estado upang tugunan ang lahat ng uri ng karahasan at “lawlessness.”
Sa kabila nito ay tiniyak ni Hontiveros na patuloy syang maninindigan para sa demokrasya.