Manila, Philippines – Aminado ang ilang kaalyado ng gobyerno na may mga dapat na ayusin sa kampanya kontra iligal na droga.
Ito ay matapos tumaas ang porsyento ng mga Pilipinong naniniwala na nangyayari ang EJKs dahil sa war on drugs.
Ayon kay PBA PL Rep. Jericho Nograles, kailangang masipa na ang mga scalawag na pulis na anay sa PNP partikular na ang mga pumapatay para mapagtakpan at hindi malaman ang kanilang kagagawan.
Samantala, hinimok naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na baguhin na ang pamamaraan sa kampanya sa iligal na droga at kumbinsihin ang mga Pilipino na hindi ganito ang tamang paraan ng pagsugpo sa iligal na droga matapos na lumabas pa rin sa survey na 88% pa rin ang suportado ang illegal drugs campaign.
Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na maging siya tulad ng resulta ng survey ay suportado ang war on drugs pero ang dapat na gawin ay arestuhin at ikulong at huwag patayin ang suspek.