SCALAWAGS | 70 NCRPO personnel na sangkot iba’t ibang katiwalian, mino-monitor na

Manila, Philippines – Tinututukan ngayon ng Philippine National Police ang mga NCRPO personnel na sangkot sa iba’t ibang katiwalian.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, dahil sa pagkakasangkot sa transaksyon ng iligal na droga, extortion, kidnap for ransom at iba pang iligal na gawain kaya napabilang ang mga pulis na ito sa watchlist ng PNP.

Aniya ang mga pulis na kanilang binabantayan ay tanging mga non commissioned officers o may mga ranggong mula PO1 hanggang SPO1.


Sa kabila na hindi direktang tinukoy kung saan nakadestino ang mga ito, sinabi ng opisyal na karamihan sa mga ito ay galing ng Manila Police District at Quezon City Police District.

Nilinaw ni Albayalde na hindi lahat ng 70 pulis na nasa watchlist ay guilty sa mga katiwalian dadaan pa ito sa validation

Nakikitang dahilan naman ni albayalde sa pagkakasangkot ng mga ito sa katiwalian ay dahil sa proseso ng recruitment.

Maaari umano kasing nagkaroon ng pagkukulang sa background check ng mga police personnel.

Kaya naman para patuloy na malinis ang kanilang hanay sa mga ‘scalawags’ ay mas maghihigpit sila at papanagutin ang mga tiwali nilang kasamahan.

Kamakailan lang ay sinabi ng Counter-Intelligence Task Force ng PNP na aabot na sa 60 mga pulis ang kanilang naaresto sa loob ng 11 buwan.

Facebook Comments