Scamming hub ng ilang Chinese fugitives sa Cebu City, nabuwag ng NBI sa tulong ng Taiwanese government

Nabuwag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang scamming hub na pinatatakbo ng ilang Taiwanese fugitives sa Cebu City.

Kasabay nito ang pagkaka-aresto sa ilang puganteng Taiwanese.

Ang operasyon ay ginawa ng NBI kasunod ng kahilingan ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) hinggil sa pagsisilbi ng local warrant laban sa Chinese nationals na konektado sa Taiwanese fugitives na may kinakaharap na arrest warrants sa Taiwan.

Kabuuang 17 Taiwanese nationals ang naaresto sa operasyon at nabawi ang fully operational hub para sa large-scale online scamming.

Kabilang sa mga naaresto ang anim na Taiwanese na konektado sa Four Seas Gang, na isang transnational triad syndicate.

Facebook Comments