
Kuntento ang Palasyo sa pag-usad ng negosasyon ng Pilipinas sa Amerika kaugnay sa ipinataw na reciprocal tariff.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nagpapatuloy ang trade negotiation nina Department of Trade and Industry o DTI Secretary Cristina Roque at Sec. Frederick Go sa US Trade representative.
Dahil dito, hindi pa makapagbigay ng detalye si Castro tungkol sa inisyal na pag-uusap dahil sakop ito ng confidentiality agreement.
Batid din ng Palasyo na may deadline ang Amerika sa mga trading partner nito para magsumite ng kanilang best offer sa trade negotiations.
Nauna nang sinabi ni Go na binigyang-diin din nila sa negosasyon ang kapakanan ng Philippine local industries.
Sa panig naman ni Roque na nagpapatuloy ang negosasyon sa US kaugnay sa ipinataw na taripa ng Amerika.