Scarborough Shoal, maaangkin ng China kapag tuluyan nang nakansela ang VFA ng Pilipinas at Amerika

Mas madaling makakagalaw sa West Philippine Sea ang China kapag tuluyang nakansela ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Amerika.

Ayon kay Retired Senior Associate Justice Antonio Carpio, ang nakakatakot pa rito, posibleng tuluyang maangkin ng China ang Scarborough Shoal at gawin itong naval at air base.

Kailangan kasi ng China ang triad bases sa South China Sea para tuluyang makontrol ang lugar.


Kung magkataon, mawawala sa Pilipinas ang Exclusive Economic Zone nito na mas malaki pa kumpara sa total land area ng bansa.

Giit pa ni Carpio, walang respeto sa Pilipinas ang China.

Patunay rito ang higit 100 militia fishing vessels ng China na umaaligid sa Pag-asa Island, isa sa pinakamalaking isla sa pinagtatalunang Spratlys.

Facebook Comments