Rollback sa mga produktong petrolyo, asahan pa rin sa mga susunod na linggo dahil sa COVID-19

Patuloy na mararanasan ang rollback sa mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo dahil sa banta ng Corona Virus Disease-2019 (COVID-19).

Ayon sa ulat, ang net rollback ng produktong petrolyo ay lagpas ₱6 para sa diesel, ₱5 para sa gasolina at mahigit ₱8 para sa kerosene.

Nabatid na bumaba kasi ang konsumo ng langis sa buong mundo dahil sa COVID-19 maging ang hindi pagkakasundo ng kartel sa Russia na bawasan ang produksyon nito.


Facebook Comments