SCARBORUGH SHOAL | Pilipinas, China at Vietnam, dapat magkaroon ng kasunduan sa pangingisda – Acting CJ Carpio

Manila, Philippines – Panahon na para magkaroon ng kasunduan ang Pilipinas, China at Vietnam na gumigiit ng karapatan na mangisda sa Scarborough Shoal.

Inihayag ito ni Acting Chief Justice Antonio Carpio kaugnay pa rin ng pang-aagaw ng Chinese Coast Guard sa mga huling isda ng mga Pilipino na naglayag sa Scarborough Shoal.

Ang Scarborough Shoal, batay sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration, ay idineklara bilang common fishing ground ng mga mangingisdang Pilipino, Chinese at Vietnamese.


Gayunman, sinabi ni Carpio na walang common agreement sa pagitan ng tatlong bansa hinggil sa panuntunan sa pangingisda sa nasabing teritoryo.

Mahalaga aniyang magkaroon ng kasunduan at maitakda ang panuntunan sa pangingisda sa Scarborough Shoal upang maprotektahan ang lugar at matiyak ang sustainable fishing doon.

Facebook Comments