SCHEDULE OF ACTIVITIES NG MALASIQUI TOWN FIESTA, INILABAS NA; SEARCH FOR MISS MALASIQUI, PINAKA HIGHLIGHT NG EVENT

Umpisa na ng paghahanda sa Festival Season sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, Kabilang na ang ilang bayan sa Pangasinan. Sa bayan ng Malasiqui, inilabas na ang Schedule of Activities sa magaganap na Malasiqui Town Fiesta 2023 na mag-uumpisa sa January 16 hanggang 23 nitong taon.
Sa temang “Malasiqui, Bayang tinatangi, Sa bigkis ng pagkakaisa, Babangon ng sama-sama”, magkakaroon ng iba’t ibang gabi ng selebrasyon kabilang na ang Senior Citizen’s Night at Balikbayan Night.
Ngunit ang pinaka highlight at kaabang abang lalo na para sa mga solid Malasiquinians, ay ang kanilang Search for Ms. Malasiqui 2023. Magaganap ito sa January 22 ganap na alas otso ng gabi (8pm) sa Arenas Civic Center.

Labingwalong kandidata ang magtatagisan ng beauty and brain sa nasabing patimpalak.
Ang mga kandidata ay representante ng iba’t ibang barangay sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments