SCHEDULED POWER INTERRUPTION, INILABAS NG ISELCO 1

Cauayan City – Naglabas ng abiso sa publiko ang Isabela Electric Cooperative 1 (ISELCO 1) kaugnay sa isasagawang power interruption.

Ito ay naka-schedule sa darating na ika-8 ng Hunyo kung saan apektado ang ilang barangay sa lungsod ng Cauayan at lungsod ng Santiago.

Isa sa dahilan ng pagkaantala ng daloy ng kuryente ay sa pagnipis ng suplay ng kuryente mula sa National Grid Corporation of the Philippines.


Sa pinaka huling update mula sa NGCP ay nasa Yellow Alert ang status ng Luzon Grid kung saan 14,086 Mega Watts ang Available Capacity, habang 12,970 Mega Watts naman ang Peak Demand.

Facebook Comments