Scholarship at allowance, ipinabibigay sa mga atletang mananalo sa SEA Games

64

Manila, Philippines – Itinutulak ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang pagbibigay ng scholarship at allowance sa mga atleta ng SEA Games na makakakuha ng medalya.

Layunin ng isinusulong ng kongresista na mabigyan ng pugay at kilalanin ang mga atletang nagbigay sakripisyo at pagkilala sa bansa.


Nais ni Hipolito-Castelo na bigyan ng full at lifetime educational scholarship at allowance ang mga atletang magwawagi sa SEA Games.

Pinag-aaralan din ng lady solon na isama din sa benepisyong ito ang immediate families ng mga atleta.

Nararapat lamang umano ang ganitong benepisyo dahil sobra sobra naman ang pagsusumikap ng mga atleta para makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Facebook Comments
From Advertisers