Suporta para sa bansang Timor Leste sa SEA Games, umaapaw sa social media

261

Nanawagan ang mga Pilipinong netizens sa social media na suportahan ang Timor Leste na sumasabak ngayong sa 2019 SEA Games.

Sa ngayon kasi, wala pang nasusungkit na anumang medalya ang naturang bansa.


Bumuhos ang suporta sa Timor Leste sa Twitter matapos mag-trending ang #timorleste upang ikampanya ang nasabing bansa.

Ayon sa ilang netizen, dapat lang na itaas ang morale ng mga atleta ng Timor Leste tulad ng ibinibigay nating suporta sa mga pambato ng Pilipinas.

Hangad din ng ilang netizen ang tagumpay para sa Timor Leste, dahil ang tagumpay ng isang bansa ay tagumpay din ng lahat ng bansang lumalahok sa SEA Games o we win as one.

Facebook Comments
From Advertisers