Scholarship at gamit sa pag-aaral ng ilang mga kabataan, ihahandog ng RMN Networks, RMN Foundation Inc. at Dualtech Training Center Foundation, Inc. katuwang ang DZXL Radyo Trabaho

Ilang masu-swerteng kabataan ang handang tulungan ngayon ng RMN Networks at RMN Foundation Inc. para matupad ang kanilang pangarap.

Ito’y sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng RMN Networks, RMN Foundation Inc. at ng Dualtech Training Center Foundation, Inc.

Layunin ng MOA na matulungan ang ilang mga kabataan saan mang sulok ng bansa na maabot ang kanilang pangarap sa pag-alalaya ng Dualtech Training Center Foundation, Inc.


Nasa pitong kwalipikadong kabataan ang mapipili para mabigyan ng scholarship kung saan pagkakalooban rin ang bawat isa sa kanilang ng mga phone tablets mula sa RMN Foundation.

Kabilang sa mga dumalo sa MOA signing ay sina Ms. Erika Canoy-Sanchez ng RMN Network, Mr. Patrick Aurelio ng RMN Foundation, Mr. Buddy Oberas, ang Station Manager ng DZXL 558 Radyo Trabaho, RMN Network Creative Head Mr. Rod Marcelino at Engr. Jerry Webb Muhi ng Dualtech Training Center Foundation, Inc.

Matatandaan na nitong Marso ay inilunsad ng RMN Network at RMN Foundation ang “Henry R. Canoy Scholarship Program” sa pamamagiyan ng Radyo Edukasyon Program.

Bahagi rin ang aktibidad bilang paghahanda sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng RMN Networks sa darating na August 28, 2022 at ika-10 taon ng pagbibigay serbisyo publiko ng RMN Foundation.

Facebook Comments