MPD, umapela sa mga magsasagawa ng protesta sa darating na Labor Day

Umapela ngayon si Manila Police District (MPD) Director Brig. Gen. Leo Francisco sa mga militanteng grupo na huwag na sila magsagawa ng protesta sa darating na Labor Day sa May 1, 2022.

Ayon kay Gen. Francisco, mas maiging huwag na nila itong gawin dahil sa posibleng magkaroon lamang ng kumpulan ng tao dahil bukod sa rally ay may mga program pa ang mga supporters ng mga kandidato.

Tahasaan sinabi ni Gen. Francisco, ipagbabawal niya ang rally sa Mendiola, Liwasang Bonifacio at iba pang lugar sa Manila dahil nanatili pa rin ang banta mg COVID-19 pandemic.


Ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay hindi rin maglalabas ng permit para mag-rally tulad ng nakaraang taon dahil sa babala ng Department of Health (DOH) na may posibilidad pang tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang panawagan niya sa manggagawa ay mag-online protest na lang sila tulad noong nakaraang taon para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Aniya, kung nagawa nila ito noong 2021, walang dahilan na hindi nila magawa ito ngayong darating na May 1 o ang araw ng mga manggagawa.



Facebook Comments