Isinusulong ni Senator Francis Tolentino ang pagbibigay ng scholarship sa mga public school teachers at sa kanilang mga anak.
Sa Senate Bill 399 na iniakda ni Tolentino, mabibigyan ng scholarship grants ang isang guro para sa kanyang pagaaral ng masters, doctorate o post-graduate education na may kaugnayan sa subject o kurso rin na kanilang itinuturo.
Ang anak naman ng mga eligible public school teachers ay otomatikong mabibigyan ng scholarship sa elementary, secondary at tertiary education.
Naniniwala si Tolentino na ang pagbibigay ng scholarship sa mga guro sa mga pampublikong paaralan at sa kanilang mga anak ay makapagpapataas ng moral ng ating mga Filipino educators.
Binigyang diin pa ng senador na kung mabibigyan ng access para sa scholarship sa pag-aaral ang mga guro ay mas mahihikayat ang mga ito na mas ibigay ang kanilang serbisyo sa public school system at inaasahang magpapataas din ito ng kalidad ng edukasyon sa bansa.