4 na high value targets, arestado

107

Nalansag ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den, habang arestado naman ang apat na High Value Targets (HVTs).

Ito ay matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib pwersang unit ng PNP at ng PDEA sa Bansalan, Davao del Sur.

Kinilala ni PNP Public Information Office Chief PBGen. Roderick Alba, ang mga naarestong HVTs na sina Felimon Llorando, Romeo Pantonial, Rudy Pedrales at Rolando Hocamis.


Nakuha sa mga ito ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱180,000 kung kaya’t inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

Samantala, pinanapurihan naman ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin ang mga operatiba ng pulisya at PDEA, sa matagumpay na operasyon na kanilang ginawa.

Facebook Comments