Cauayan City,Isabela – Mahigit kumulang sa 150 na mga estudyante ang sumabak sa screening ng SM Scholarship Foundation kaninang umaga, Pebrero 14 na ginanap mismo sa SM City Cauayan Building A Bridgeway.
Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Ms. Ling Lansang, Assistant Vice President ng SM Foundation, masaya umano ang pamunuan ng nasabing mall dahil naabot nila ang target na bilang sa ginanap na pagsusulit.
Ayon kay AVP Lansang, lahat ng nakapasa sa pagsusulit ay agad rin na sasailalim sa interview at ebalwasyon.
READ: Walong Taong Gulang na Bata, Sugatan sa Hit And Run!
Malalaman ang resulta ng naganap na screening sa darating na buwan ng Abril o hanggang kalagitnaan ng Mayo ngayong taon na susundan naman ng oryentasyon para sa naturang programa.
Dagdag pa ni Ms. Lansang na lahat ng kanilang SM scholars ay mabibigyan ng benepisyo hanggang matapos ang kanilang kurso, ngunit kinakailangan umano na mamintena ang passing grade o passing average.
READ: Mga Drug Identified, Nag-enjoy sa Rehabilitation Wellness Program
Ang ilan sa mga kursong kabilang sa scholarship program ng SM Foundation ay Accountancy, Engineering, Education, at Information Technology.