Isinagawa kamakailan ng Department of Health (DOH 9) ang School-Based Immunization Technical Working Group Consultative Workshop na ginawa sa Mibang Hotel ng syudad ng Dipolog.
Ang School-Based Immunization (SBI) Campaign, “Bakuna Para sa Kabataan Proteksyon sa Kinabukasan” ay isang free immunization program ng DOH na ibibigay sa mga Grade 1 at Grade 7 na mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan nationwide ngayong darating na buwan ng Agosto 2017.
Ayon kay Ms. Sharon Concha ng DOH, ngayon taon ay ang ikatlong taon ng implementasyon ng programa kung saan layunin nito na maabot ang 95% immunization rate para masiguro ang immunity mula sa apat na sakit na dadapo sa mga kabataan gaya ng measles, rubella, tetanus at diphtheria.
Ang nasabing workshop ay dinaluhan ng mga personahe ng mga Rural Health Units (RHUs) sa bawat bayan ng probinsya ng Zamboanga del Norte.
School-Based Immunization Technical Working Group Consultative Workshop, isinagawa ng DOH 9.
Facebook Comments