Thursday, February 26, 2026

SCHOOL-BASED RESILIENCE FAIR SA ALAMINOS CITY, UMARANGKADA

Pormal nang sinimulan ang unang araw ng 2-Day School-Based Resilience Fair ng School Disaster Risk Reduction and Management (SDRRM) ng Alaminos City National High School. Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan at kahandaan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang sitwasyon ng sakuna.

Kabilang sa mga nakibahagi ang Public Order and Safety Office (POSO) na naglatag ng information booth upang magbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga umiiral na ordinansa sa lungsod at mga alituntuning may kaugnayan sa kaligtasan at kaayusan.

Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang interactive activity kung saan nasubukan ang kahandaan at kakayahan ng mga estudyante sa tamang pagre-relay ng impormasyon gamit ang handheld radios. Sa pamamagitan nito, kanilang naipasa ang mahahalagang mensahe, kabilang ang mga dapat ihanda at dalhin tuwing may sakuna.

Sa kabuuan, naging makabuluhan ang unang araw ng aktibidad sa pagpapaigting ng kaalaman, koordinasyon, at disiplina ng mga mag-aaral pagdating sa disaster preparedness at resiliency.

Facebook Comments